Bataan

Limay β€˜Zero km’ food project inilunsad

Christian Supnad Jun 23, 2026
96 Views

LIMAY, BATAAN – Inilunsad noong Lunes sa bayang ito sa pamumuno nina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David ang “π™πžπ«π¨ 𝐊𝐒π₯𝐨𝐦𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭.”

Ayon kay Mayor David, ang resulta ng Food Demand and Supply Structure Analysis sa ilalim ng Zero Kilometer (0 KM) Food Project ay “mahalagang hakbang upang mapalakas ang food security, lokal na produksyon, at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Limay.”

Sa pamamagitan ng pag-aaral, “mas malinaw na matutukoy ang mga pangangailangan sa pagkain, kakulangan sa suplay, at mga oportunidad upang mapalakas ang lokal na produksyon at pamilihan,” ayon sa mayor.

Ang proyektong ito ay isinusulong kasama ang suporta ni Committee on Agriculture Chair Rosario Perez bilang bahagi ng layunin na magkaroon ng mas matatag at sustenableng sektor ng agrikultura sa bayan.

Dahil sa tagumpay ng programa, napabilang ang Limay sa Phase 2 ng Zero Kilometer Food Project kung saan palalawakin ang pag-aaral upang masaklaw ang buong Bataan sa tulong ng Department of Agriculture.

“Isang mahalagang pamana ni Mayor Nelson David na patuloy na nagbibigay-gabay tungo sa masagana at food-secure na kinabukasan para sa bawat Limayan,” sabi ng mayor.