Calendar
Ang lola matapos mabundol ng jeep. JONJON C.REYES
Lola nasawi matapos mabundol ng jeep
HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang lola na nasalpok ng jeep sa northbound ng President Quirino Avenue corner Plaza Dilao sa Pandacan, Maynila noong Sabado.
Tinatayang edad 65-70 anyos, naka floral blouse, maong pants, may taas na apat hangang limang feet ang lola, ayon sa description ng mga pulis.
Ayon sa report ni Police Capt. Joel Aquino, hepe ng VTIS ng Manila District Traffic Enforcement Unit ng MPD, naganap ang insidente bandang alas-10:05 ng umaga habang tumatawid ang biktima.
Base sa kuha ng CCTV sa lugar, nabanga sa unahang bahagi ng jeep ang lola habang binabagtas ang innermost lane ng northbound ng President Quirino Avenue.
Isinugod ng rumespondeng ambulance sa Ospital ng Maynila ang biktima bago inilipat sa Philippine General Hospital kung saan ito nalagutan ng hininga bandang alas-11:27 ng tanghali, ayon kay Dr. Jerolled Lim.
Kusang sumuko ang jeepney driver at nagtungo sa himpilan ng pulisya upang sumailalim sa imbestigasyon ang 58-anyos na driver.
Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Nananawagan ang Manila District Traffic Enforcement Unit sa sinumang nakakakilala o kaanak ng biktima na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

