Dolor

Lolang centenarian may P100K mula kay Dolor

Helen D. Prado Jun 14, 2026
44 Views

MANSALAY, Oriental Mindoro–Binisita ng gobernador at asawa niya si Josefina “Pen” Dimatulac, ang centenarian sa bayang ito para bigyan ng P100,000 bilang reward.

Naglingkod ng mahigit 15 taon bilang guro sa Mansalay Central School si Nanay Josefina ng Brgy. Poblacion. Sa kanyang propesyon, matagumpay niyang naitaguyod ang kanyang anim na anak.

Ipinanganak si Nanay Pen noong Hunyo 3, 1926.

Bilang pagpupugay sa kanyang mahabang buhay at serbisyo, personal siyang binisita ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor at asawang si Hiyas Govinda para igawad ang P100,000.00 at sertipiko ng pagkilala.

Ang pagkilalang ito ay tanda ng pagpapahalaga sa kanyang naging ambag sa komunidad bilang dating teachers at huwaran ng malusog at mahabang pamumuhay.

Ayon sa anak ng centenarian na si Nobleza Bautista, ang tulong ay gagamiting pambili ng mga pangunahing pangangailangan ng kanyang ina.

Kasama ng gobernador sa pagdalaw ang mga opisyal ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Zarah Magboo at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangangasiwa ni Ester Malapitan.