LRT-2

LRT-2 may libreng sakay para sa PWDs sa Lunes

Jun I Legaspi May 7, 2022
177 Views

SA Lunes ay libreng makasasakay sa Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang mga Persons with Disabilities (PWD)

Ang pagbibigay ng libreng sakay ay bahagi ng pagtulong ng Department of Transportation (DOTr) sa mga PWD upang mas maging madali ang kanilang pagboto.

Ang libreng PWD ride ay mula alas-5 ng umaga hanggang 9 ng gabi.

Ang LRT-2 ay bumibiyahe mula Masinag sa Antipolo hanggang Recto, Manila.

“The provision of accessible transportation is one of the main requirements for PWD to be able to participate in the national elections. LRT-2 is ready and available to accommodate them,” sabi ni LRTA Administrator Jeremy Regino.

Ang LRT-2 ay mayroong mga accessibility facility na magagamit upang hindi mahirapang bumiyahe ang mga PWD.