LTFRB magbibigay ng special permit para madagdagan bumibiyaheng bus ngayong Kapaskuhan

129 Views

UPANG masiguro na mayroong masasakyan ang mga pasahero ngayong kapaskuhan, magbibigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga special permit para sa mga bus.

Ayon kay LTFRB executive director Robert Peig inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong kapaskuhan.

Nakikipag-ugnayan na rin umano sang LTFRB sa iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng Philippine National Police (PNP), Inter-Agency Council for Traffic, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.