Lindol Larawan: PHIVOLCS/FB

Magnitude 4.5 na lindol, tumama sa Anilao, Iloilo

104 Views

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Anilao, Iloilo, nitong Biyernes, Nobyembre 20, 2026, bandang alas-5:11 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa Earthquake Information No. 1, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 13 kilometro. Naitala ang epicenter sa layong limang kilometro timog ng Anilao.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Buenavista at Jordan, Guimaras; Passi City, Iloilo; at Bago City, Negros Occidental. Intensity III naman sa Tapaz, Capiz; Nueva Valencia, Guimaras; at La Carlota City, Negros Occidental. Naramdaman din ang Intensity II sa Jamindan, Capiz; San Lorenzo, Guimaras; Iloilo City; at Bacolod City.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa lindol, batay sa paunang pagsusuri ng PHIVOLCS.