PAGKILALA KAY VIRATA
Oct 12, 2026
3 magkakaibigan binaril dahil pabalang sumagot, dedo
Oct 12, 2026
HVI huli sa P680K shabu
Oct 12, 2026
MED CARAVAN
Oct 12, 2026
Calendar
Nation
Magulang nagsimba; anak tusta sa sunog
Edd Reyes
Jul 21, 2025
396
Views
LABIS ang pagdadalamhati ng pamilya ng 7-taong-gulang na batang babae na nasawi nang makulong sa nasusunog nilang bahay noong Linggo sa Las Piñas City.
Sa ulat ng Las Piñas Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog sa bahay ng biktima sa Golden Acres, Barangay Talon Uno dakong alas-3 ng hapon.
Mag-isang naiwan sa loob ng bahay na naka-lock ang bata dahil nagsimba ang kanyang mga magulang.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula pasado alas-4 ng hapon.
Nang pasukin ng mga bumbero ang bahay, nakita ang bangkay ng bata sa loob ng comfort room na posibleng nahirapan ng makahinga dahil sa makapal na usok.
Umabot din sa 40 kabahayan ang naabo na nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng 50 pamilya.
I-CONVICT NA YAN!
Oct 12, 2026
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
GENCORP NABIGONG IDEKLARA P1.049 KITA
Oct 11, 2026

