POA

Mahigit 380 silid-aralan nasira sa pananalasa ng bagyong Paeng

Arlene Rivera Nov 3, 2022
147 Views

MAHIGIT 380 silid-aralan sa may 261 paaralan ang nasira sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon sa Department of Education (DepEd) nasa 528 paaralan naman ang ginagamit na evacuation center.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na maaaring madagdagan pa ang bilang dahil hindi pa tapos ang isinasagawang assessment sa iba’t ibang lugar.

Kinansela ng ilang lokal na pamahalaan ang klase sa kani-kanilang lugar kasabay ng pag-aayos sa mga nasira ng bagyo.