Fuel

Malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo ipapatupad

Edd Reyes Oct 27, 2025
308 Views

MALAKIHANG dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis simula Martes ng umaga, Oktubre 28, 2025.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, at Seaoil Philippines, alas-6;01 ng umaga ng Martes itataas nila ang presyo ng diesel ng P2.00 kada litro, gasolina ng P1:20 kada litro, at kerosina ng P1.70 kada litro.

Maging ang mga kompanyang hindi nagbebenta ng kerosina tulad ng PTT Philippines, Unioil, Petro Gazz, at Total Philippines ay magpapatudad din ng kahalintulad na malakihang taas presyo ng kanilang diesel at gasolina, alas-6:01 ng umaga, habang alas-4:01 naman ng hapon ang Clean Fuel.

Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ito na ang ika-apat na sunod na linggong itinaas nila ang presyo ng gasolina na ibinatay sa dikta ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.