Poste

MALAKING PUNO NG BALETE BUMAGSAK SA SAN ANDRES

Jon-jon Reyes Sep 15, 2026
140 Views

Poste1Poste2Poste3Poste4Poste5TULOY-tuloy ang isinasagawang clearing operation ng mga tauhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department matapos mabuwal at bumagsak ang isang malaking puno ng Balete kahabaan ng San Andres, Manila, Martes ng umaga.

Ang bumagsak na puno ay matatagpuan sa Agua Marina St. kanto ng Onyx kung kung saan nadamay ang pader gayundin ang treehouse na nakapatong dito.

Bukod dito, nabagsakan rin ng poste at kable ng kuryente ang isang nakaparadang jeepney matapos bumigay ang isang posteng konkreto dahil sa laki ng puno na nakatayo sa lugar.

Kaugnay nito, nakipag-ugnyan na rin ang Manila City DRRM Department sa Meralco at sa Engineering Office para sa agarang responde at masolusyunan ang problema.

Unti-unti na rin hinahakot ang mga debris sa naturang lugar at wala naman naitalang sugatan sa insidente.