Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
Mananaya sa Isabela nanalo ng P32M jackpot sa 6/42
Peoples Taliba Editor
Aug 13, 2022
583
Views
ISANG mananaya sa Santiago City, Isabela ang nanalo ng P32.07 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Agosto 11.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 42-18-26-35-02-19.
Samantala, nanalo naman ng tig-P24,000 ang 40 mananaya ang nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P800 naman ang tinamaan ang 1,951 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 naman ang 31,767 mananaya na nakatatlong numero.

