Manila

Manila crime rate bumaba sa huling bahagi ng ’25

Edd Reyes Jan 26, 2026
132 Views

BUMABA ng 13.08% ang krimen sa Maynila sa last quarter ng 2025, ayon sa Manila Police District (MPD).

Sa ulat ng MPD kay Mayor Isko Moreno Domagoso sa unang command conference para sa 2026, sinabi ni MPD director P/BGen. Arnold Abad na mula sa 2,110 krimen sa third quarter ng 2025, bumaba ito sa huling bahagi ng 1,819.

Ang index crime o seryosong krimen ay bumaba sa 239 mula sa 291 at bumaba ang non-index crime o paglabag sa mga espesyal na batas sa 1,595 mula sa 1,819.

Ayon sa alkalde, ang pagbaba ng kriminalidad sa lungsod ay bunga ng patuloy na pagpapatupad ng batas.

“To the criminals, now you know, it’s not worth doing crimes against property and people in Manila while we are around,” banta ng alkalde.

”Hahabulin natin sila kahit saan sila magtago at kahit gaano pa katagal. I really don’t care basta we bring justice to the victim. ’Yun naman ang common. I think that’s also your orientation,” bilin niya sa mga pulis.

Nagpasalamat si Mayor Domagoso kay BGen. Abad sa kanilang pagganap sa tungkulin kasabay ng paghimok na tiyakin ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa pamamagitan ng maayos, disiplinado at makataong pagpapatupad ng batas sa buong lungsod.