Calendar
Arestado ng mga pulis ang dalawang kelot na umiwas sa checkpoint sa Binondo, Manila.JONJON C. REYES
May marijuana umilag sa checkpoint, tiklo
DALAWANG lalaki ang naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) dahil sa pagdadala ng Kush matapos takbuhan ang checkpoint sa Muelle Dela Industria, Parola compound, Brgy. 275, Binondo, Manila noong Sabado.
Narekober ng mga pulis sa possession ng mga suspek ang mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana o Kush, 1 lighter at 1 glass tube pipe.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Del, 25; at Nash, 20.
Ayon sa report nina PSSg Ray Mark Laurena, PMSg Eugine Tonizul, PMSg Christoren Almachar at PCpl Jonyzer Basa, bandang alas-10:15 ng gabi natimbog ang mga suspek ng mamataan ang unang suspek na nagmamaneho ng Yamaha Mio (W2716Y) pero walang suot na helmet gayundin ang backride.
Pinara ang dalawa para sa beripikasyon subalit biglang pinaharurot ang kanilang motor.
Doon na nalaman ang dala ng dalawa ng i-frisk ng mahabol ng mga pulis.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10054 at RA 9165.

