Bilanggo

‘May buhay pagkatapos magdusa sa likod ng rehas’

Dennis Abrina Jan 17, 2026
230 Views

Bilanggo1LAS PIÑAS CITY–Bumiyahe ng mahigit 10 oras patungo ng Las Pinas campus ang mga dating Person Deprived of Liberty (PDL) na sina alyas Ted mula Legaspi, Albay at Pedro mula Sorsogon para dumalo sa homecoming noong Jan. 16.

Mahigit 31 graduates ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa university sa loob ng Bilibid penitentiary ang dumalo sa pagtitipon sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall para mabigyan ng parangal ng Alumni Affairs Office bilang mga mag-aaral na nakapagtapos sa paaralan.

Si alyas Ted, 63, may sarili ng soap industry business sa kanilang lugar, habang si Pedro isa ng teacher sa kanilang probinsya pagkatapos makapasa ng Licensure Exam for Teachers.

Nakilala naman si Joey De Leon sa galing sa pagpipinta at art exhibit sa mga Justice Halls pagkatapos makalaya sa bilibid noong 2008.

Ilan lamang sila sa mga dumalo at nagpatunay na may bukas pa pagkatapos magdusa sa likod ng rehas.

Naging panauhin sa pagtitipon sina Sr. Superintendent Dorothy Bernabe, Chief of Education and Training Division Director, Bureau of Corrections, USec Deo Marco ng Department of Justice, Dr. Arnaldo De Guzman, School Director of UPHS Las Piñas City campus, Dr. Resurrecion Morales, Hon Karl Miranda, Associate Justice, 6th Division, Sandigan Bayan at Gregorio Catapang, Director General ng BuCor.