Erwin1

May sala sa palpak na flood projects habulin — Tulfo

212 Views

SAMPAHAN na ang mga ito ng kriminal na kaso!”

Ito ang apela ni Sen. Erwin Tulfo kung saan ay hinimok niya ang Department of Justice (DOJ) na agad magsampa ng kasong kriminal laban sa mga tiwaling kontratista at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sangkot umano sa maanomalyang flood control projects na nauwi sa kabiguang maipatupad o nagresulta sa mababang kalidad ng mga imprastruktura.

Bilang Pangalawang Tagapangulo ng Senate Blue Ribbon Committee, iginiit ni Tulfo na sapat ang mga isiniwalat nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senador Panfilo Lacson para simulan ang legal na aksyon laban sa mga responsable sa guni guning o ghost projects sa flood control na isinawalat ng punong ehekutibo.

“They stole trillions of pesos from the Filipino people, so they must be held accountable,” aniya.

Tinukoy ng senador ang kawalang katarungan sa sistema, kung saan ang maliliit na pagnanakaw ay mabilis na pinaparusahan, samantalang ang mga sangkot sa bilyon-bilyong pisong kurapsyon ay nananatiling malaya. “If a shoplifter can be jailed for stealing something worth less than a hundred pesos, then those who plundered trillions in public funds must face even harsher consequences,” dagdag niya.

Batay sa datos, gumastos ang DPWH ng ₱1.2 trilyon para sa mga flood control projects mula 2011 hanggang ngayon. Ngunit ayon kay Pangulong Marcos, 15 kontratista lamang ang nakakuha ng 20 porsyento ng mga proyektong ito—na tinatayang nagkakahalaga ng ₱100 bilyon.

Lima sa mga kumpanyang ito ang umano’y nagpaparenta lamang ng kanilang lisensiya.

Samantala, tatlong kumpanya naman ang naiulat na sangkot sa mga “ghost projects” sa Bulacan.