sara “Nagpapasalamat po ako sa endorsement ni Pangulong Duterte sa aking kandidatura as vice president,” sabi ni Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Mayor Duterte sa isang ambush interview kay Journal Group veteran reporter at columnist Ryan Ponce Pacpaco nang bisitahin ni nangungunang kandidato pagka- VP ang mga world class na barong at gown makers ng Pandi, Bulacan, ngayong Linggo. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Inday Sara nagpasalamat sa pag-endorso ng c

200 Views

NAGPASALAMAT si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa pag-endorso sa kanya ng amang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Nagpapasalamat po ako sa endorsement ni Pangulong Duterte sa aking kandidatura as vice president,” sabi ni Mayor Duterte sa isang ambush interview nang bisitahin nito ang mga barong at gown maker ng Pandi, Bulacan, ngayong linggo.

Sa kanyang speech sa rally ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Lapu-Lapu City noong Marso 31, inendorso ng Pangulo ang kanyang anak at iginiit ang dedikasyon at sipag ng anak sa pagseserbisyo sa bayan.

“Pero maayo na si Inday sa tinuod lang. Basta trabaho lang tinarong, maayo na si Inday,” sabi ng Pangulo na ang pinatutungkulan ay ang pagiging mabuti at masipag ng anak.