Liza

Mayor, vice mayor ng Las Pinas nanumpa, FL Liza Macos panauhing pandangal

Edd Reyes Jun 28, 2025
401 Views

NANUMPA sina Mayor April Aguilar, Vice Mayor Imelda Aguilar at Congressman Mark Anthony Santos ng lone district ng Las Piñas na dinaluhan ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos bilang panauhing pandangal noong Biyernes sa Las Piñas City Hall.

Kasama rin sa mga nanumpa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 1 at District 2 sa pangunguna ni Councilor Alelee Aguilar Andanar.

Nagpasalamat sa mga Las Pin̈eros si Mayor April Aguilar at nangakong magsisilbi ng may malasakit at bukas sa mata ng publiko.

“This new chapter is not only about continuing what we’ve started. It is about strengthening our foundation and pushing even further toward a city that provides quality health care, accessible and free education, livelihood and employment programs, safe communities and lasting opportunities for every Las Piñero,” pahayag ni Mayor Aguilar.

Nagbigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng isang Patient Transport Vehicle (PTV) at pitong Starlink kits na ipamamahagi sa mga pampublikong eskwelahan.

Tiniyak ng bagong administrasyon ang mabilis na makukuha ng mga Las Pinero ang mga mahahalagang serbisyo na sumisiguro sa mas magandang kinabukasan ng bawat pamilya sa lungsod.