Bangga

MC drayber patay matapos van mabangga

225 Views

PATAY noong Linggo ang isang lalakeng drayber matapos aksidenteng makabanggaan ang van sa kahabaan ng Senator L. Sumulong Memorial Circle Intersection malapit sa San Jose St., sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal.

Ang nasawi, ayon sa pulis Antipolo, ay nakilalang si alyas Dondi, residente ng Block 6 Lot 4 Camella Montego, Brgy. San Isidro, Antipolo City.

Bandang 5:00 ng umaga nang nakitang tumatakbo ang isang Suzuki Vitara (NBM4370) na minamaneho ni alyas Dondi nang aksidnteng makabanggaan ang isang Yamaha Mio Aerox, may Plate Number T8695X na minamaneho ni alyas Rafael, residente ng 61 J. Chanyungco St., N.M.S., Lungsod ng Marikina.

Sa lakas ng bangga tumilapon ang nasawing biktima mula sa sinasakyang motorsiklo at bumagsak sa konkretong kalsada.

Nagtamo ng malubhang pinsala ang biktima at kaagad dinala sa Rizal Provincial Hospital Antipolo Annex 2 at sa kasamaang palad, idineklara siyang patay pagdating ganap na 5:45 ng umaga ng sumuring manggagamot na si Dr. Valencia.