Calendar
Mga estudyante, saksi nag-bayanihan para tulungan biktima ng karambola sa España











NAWALAN ng preno ang isang pampasaherong bus at inararo ang walong sasakyan sa kahabaan ng España Boulevard,Sampaloc, Maynila, Biyernes ng gabi.
Ayon kay Police Major Joel Aquino, ng Manila Traffic Enforcement Unit, pasado 9:00 ng gabi nang mangyari ang aksidente,
Kabilang sa mga inararo ang isang SUV, minibus, dalawang jeep, at isang motorsiklong naipit sa gitna ng banggaan ng mga sasakyan
Ayon kay PLt. Abelardo H. Aguilar, Deputy PCP Commander ng Station 14, “sumabog yung preno niya kaya napuwersa siyang dumiretso, at hindi siya nakapreno.”
Nagsagawa agad ng rescue operation ang MDRRMO.
Ayon sa MDRRMO, walong katao ang nasaktan sa karambola na nagresulta sa matinding trapiko at pansamantalang pagsara ng Espana Boulevard.
Ayon pa sa MDRRMO, unang dumating ang kanilang ambulansya sa area kasunod ang RAHA na nasa bukana lamang ng P. Noval.
Lubos ang pasasalamat ng MDRRMO sa partisipasyon at pagtulong ng maraming kabataang estudyante na hindi nag-atubiling magbigay ng first aid sa mga biktima.
Nagpakita ng bayanihan ang mga tumulong na nagkanya kanyang labas ng gamit, panyo, pantali ng buhok at mga sinturon upang maglagay ng tourniquet at splint sa mga biktima.
Ang walong biktima na nagtamo ng sari-saring sugat sa katawan. Pito dito ay dinala sa iba’t ibang pagamutan habang yung isa ay tumangging magpalikas.
Pinasalamatan din ng MDRRMO ang mga nursing at med tech students ng UST, FEU, Perpetual Help, Mary Chiles College, Metropolitan Hospital College at Red Cross Youth.
Pinasalamatan din ng MDRRMO ang maagap na 78 mula sa Raha Volunteers Fire Department, Philippine Red Cross, FEPAG, FilAm Ambulance at BFP Emergency Medical Service.
Ang bus driver ay kabilang sa dinala sa hospital para sa medical attention. Patuloy na iniimbestigahan ang nagyaring insidente at ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Mahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

