Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
BMI

Mga gusto maging parak sumalang sa BMI determination

298 Views

KAMPO PBGEN VICENTE P. LIM–Nagkaroon ng body mass index (BMI) determination para sa 3,000 aplikante sa pagkapulis noong Oktubre 30 sa Philippine National Police National Police Training Institute gymnasium sa kampong ito ng Police Regional Office (PRO)-4A.

Lumahok sa BMI determination ng mga aplikante mula sa Rizal, Quezon, Batangas, Cavite, at Laguna.

Tinitiyak ng BMI assessment na natutugunan ng lahat ng naghahangad na maging pulis ang kinakailangang pamantayang pisikal bago maging pulis.

Ang mga aplikante na makakapasa sa BMI determination ay magpapatuloy sa Physical Agility Test (PAT), ayon kay P/BGen. Paul Kenneth Lucas, director ng PRO-4A.

“Ang aming layunin ay makapag rekrut ng pinakamahusay at pisikal na malakas na aplikante na nakakapagpanatili ng mga pamantayan ng PNP. Ito ay bahagi ng aming pangako sa inisyatibong Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas,” ayon sa PRO-4A director.