DSWD Ang Kalihin ng DSWD na si Rex Gatchalian kasama ang Samahang Plaridel officers, na pinangungunahan ng presidente nito na si Evelyn Quiroz at mga board members Raymond Burgos, Atty. Hector Villacorta, Carmelita Valdez, Weng Ocfemia, Ed Andaya, Andy Sevilla, Nelly Lumbaca at Jonathan Gesmundo.

Mga mamamahayag ng Samahang Plaridel, bumisita sa Kalihim ng DSWD bilang paggalang

399 Views

MAINIT na tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Board of Trustees ng Association of Philippine Journalists – Samahang Plaridel Foundation, Inc., na pinamumunuan ni Pangulong Evelyn Quiroz, sa kanilang pagbisita sa DSWD Central Office sa Lungsod Quezon.

Ipinahayag ni Secretary Gatchalian ang kanyang pag-asa na makatutulong ang mga grupong pang-media gaya ng Samahang Plaridel sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon hinggil sa mga programa ng DSWD upang labanan ang pagkalat ng pekeng balita.

Ayon pa sa kalihim, may mga umiiral nang programa ang ahensya na maaaring mapakinabangan ng mga kwalipikadong miyembro ng media, tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ipinangako naman ni Pangulong Quiroz ng Samahang Plaridel ang suporta ng kanilang organisasyon sa mga programa ng DSWD sa pamamagitan ng masusing at responsableng pamamahayag.

Kabilang din sa mga dumalo sa naturang courtesy call sina Raymond Burgos, Atty. Hector Villacorta, Carmelita Valdez, Weng Ocfemia, Ed Andaya, Andy Sevilla, Nelly Lumbaca, at Jonathan Gesmundo.

Ang Samahang Plaridel, na itinatag noong 2002 ng mga iginagalang at beteranong mamamahayag, ay nagsusulong ng propesyonalismo at integridad sa hanay ng mga Pilipinong mamamahayag sa pamamagitan ng mga adbokasiyang nagpapataas ng halaga ng kanilang propesyon.