Calendar
Mga nagawa ng OFW party list kinilala
𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino Inc. (KAKAMPI) ang ambag ni dating OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino para ipagtatanggol ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) noong 19th Congress.
Ginawaran si Magsino ng Gawad Parangal 2025 bilang pagkilala sa mga kontribusyon niya sa interes at kagalingan ng milyun-milyong OFWs.
Nagpasalamat ang dating Party List solon sa pagkilala ng KAKAMPI Inc. sa kanyang mga nagawa para isulong ang kapakanan at kagalingan ng mga OFWs.
Sinabi ni Magsino na bagama’t hindi pinalad ang OFW Party List na mapasama ngayong 20th Congress, patuloy pa rin nilang ipinaglalaban ang mga OFWs at Filipino seafarers sa pamamagitan ng kanilang adbokasiya.
Tiniyak niya na tuloy-tuloy parin ang paglilingkod ng OFW Party List sa mga inilulunsad nilang programa gaya ng “negosyong pangkabuhayan” para matulungan ang mga retirado at balik Pilipinas na mga OFWs .
Pinasalamatan din ni Magsino ang Department of Migrant Workers (DMW) dahil sa tulong sa 10-anyos na anak ng isang OFW na nasawi sa sunog sa Hong Kong.

