Mga negosyante sa QC inalok maging BE RICHER

Cory Martinez May 5, 2025
15 Views

INILUNSAD sa Quezon City ang BE R.I.C.H.E.R. (Resilient, Inclusive, Climate-conscious, Healthy, Emergency-ready and Responsive) scoreboard, isang self-assessment tool na tutulong sa mga negosyante na ihanay ang kanilang operasyon sa global standard sa larangan ng katatagan at pagkakapantay-pantay.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, layunin ng naturang inisyatibo na magtatag pa ng mas inclusive at sustainable na ekonomiyang pang lokal.

Magagamit ng mga may-ari ng negosyo ang scorecard sa pag-evaluate ng kanilang mga practices, matukoy ang areas for improvement at maitatala ang customized roadmap tungo sa pangmatagalang tagumpay at social impact.

“This is more than a regulatory tool—it’s a mindset shift. The BE R.I.C.H.E.R. Scorecard challenges our entrepreneurs to lead with purpose.

We are building a business ecosystem where success is not only defined by profit, but by people, planet, and preparedness,” ani Belmonte.

Binigyang-diin pa ng alkalde ang pangako ng lungsod na palaguin ang ekonomiya hindi lamang sa larangan ng masigla at competitive na pagnenegosyo kundi pati na rin bilang socially just at environmentally sound.

Pinangunahan ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang naturang inisyatibo sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod kabilang na ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), Health Department (QCHD), Gender and Development Office (GAD), at ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

“The Scorecard distills best practices and regulatory guidance into a practical tool that empowers businesses to evolve beyond basic compliance,” ani Margie Mejia, pinuno ng BPLD.

Ang Scoreboard, na accessible sa opisyal na Quezon City Government website, may kasamang step-by-step resources upang matulungan ang mga negosyante na makumpleto ang kanilang assessment at makabuo ng structured action plans.

Sa huling tala noong Abril 23, 130 business owners ang gumamit na ng naturang scoreboard upang suriin ang kanilang operasyon.

Sa naturang pillar, nanguna sa priyoridad nila ay ang resilience na kung saan 83 sa kanila ay nakatuon sa disaster-readiness at continuity planning.