Calendar
Mga wala pang 16-anyos dapat i-ban sa socmed – Gatchalian
MULING itinulak ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagbabawal sa paggamit ng social media ng mga batang wala pang 16-anyos kasunod ng pamamaril sa paaralan sa Zamboanga City.
Nakapaloob ang panukala sa Senate Bill No. 2066 o Social Media Safety for Children Act, na mag-aatas sa mga social media platform na magpatupad ng limitasyon sa edad at mga hakbang laban sa underage access.
Binanggit ni Gatchalian ang pag-livestream at muling pag-post ng insidente sa Zamboanga at nagbabala na ang paulit-ulit na pagpapakita at pagbabahagi ng graphic material ay maaaring magmukhang normal ang karahasan sa mga nakakapanood, lalo na sa mga kabataan.
“Patuloy nating isinusulong ang social media ban para sa mga menor de- edad upang itaguyod ang kanilang kaligtasan at kapakanan,” ani Gatchalian.
Sa ilalim ng panukala, aatasan ang mga social media platform na gumamit ng age and identity verification systems.
Iaatas din ang mga hakbang upang hindi malusutan ang age restrictions at mga mekanismo upang maiulat at matugunan ng mga platform ang underage access.

