50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
Workaholic girlalu at chopopong hubby jiwalay na?
Aug 22, 2026
Calendar
Provincial
Micro coops sa OrMin pinamamahalaan ng epektibo
Helen D. Prado
May 18, 2026
181
Views
CALAPAN CITY–Isinusulong ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ang epektibong pamamahala ng mga micro cooperatives sa pamamagitan ng mga pagsasanay.
Ang dalawang araw na pagsasanay ay naisakatuparan bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 2015-09 ng Cooperative Development Authority (CDA) na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga opisyal at miyembro ng kooperatiba sa tamang pamamahala at paggamit ng shared capital.
Sa huling araw ng aktibidad, napokus ang talakayan sa “Cooperative Governance and Management of Micro Cooperatives” na pinangunahan ni PCDO Supervising Cooperative Development Specialist Cristian De Ade.
Alinsunod ang mga pagsasanay sa direktiba ni Gob. Humerlito Dolor na higit pang palakasin ang mga kooperatiba sa buong lalawigan.
Sa pangunguna ni PCD Officer Orlando B. Tizon, pursigido ang tanggapan sa pagbibigay ng teknikal na tulong at suporta sa mga nasabing samahan.
Binigyang-diin din na alinsunod sa Philippine Cooperative Code of 2008, mahalaga ang pagsasagawa ng mga ganitong pagsasanay upang mabigyan ng sapat na edukasyon at kasanayan ang bawat kasapi at opisyal.
50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
Sariling lupa makakamit ng 1.4K na tao sa Naga City
Aug 22, 2026
20 doktor madadagdag sa 3 ospital sa Laguna
Aug 22, 2026
OMSDH tumanggap ng P7.2M kagamitang medikal
Aug 22, 2026
VM sa Mindanao, 3 iba pang MWP naaresto ng PNP
Aug 22, 2026

