Remulla1

Mindoro shabu mess lahat tiklo–DILG

Helen D. Prado Mar 15, 2026
128 Views

LUNGSOD NG CALAPAN–Ipinahayag noong Biyernes ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na nahuli na ang apat na pangunahing suspek na may kaugnayan sa insidente ng narekover na P10 bilyon ng shabu.

Mahigit 900 kilos ng methamphetamine hydrochloride galing sa sumadsad na speedboat sa Paluan, Occidental Mindoro noong Marso 10 ang source ng shabu.

Dalawa sa nahuli ay Chinese nationals na bahagi ng malaking sindikato, ayon sa DILG chief.

Ang dalawa pang sangkot ay mga Pilipino na akmang tutulong sa mga tumakas na dalawang Chinese Nationals at pinaniniwalaang tatanggap ng mga iligal na kargamento.

May indikasyon na halos isang taon nang isinasagawa ng grupo ang operasyon na kadalasan ay idinadaan sa mga karagatan, ayon kay Remulla.

Dahil dito, iminungkahi ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor na muling suriin at pag-aralan ang mga international shipping lanes sa karagatang sakop ng Mindoro upang mapigilan ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa bansa.

Sinabi ni Sec. Remulla na mas mainam na mag-invest ang pamahalaan sa mga makabagong teknolohiya tulad ng high-end na long-range drones na may radio interceptor, sa halip na gumastos ng malaki sa pagbili ng mga helicopter at speed boat.

Siniguro ng kalihim na naibigay na ang reward money sa mga opisyales ng barangay at mga rumespondeng alagad ng batas.