Escalator

MRT-Shaw station escalator gagana na sa Feb 15

Jun I Legaspi Jan 24, 2026
261 Views

BALIK-operasyon na ang escalator sa Greenfield MRT-3 Shaw Boulevard station southbound simula Feb. 15 para sa mas mabilis na daanan ng mga komyuter matapos inspeksyunin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez at DOTr-MRT3 General Manager Michael Capati ang mga sirang escalator.

Nakatakda ring buksan ang Greenfield escalator sa northbound ng Shaw station sa March 1.

Habang inaayos pa ang mga escalator, maaaring dumaan ang mga senior citizens, persons with disabilities (PWD) at mga buntis sa northbound-Station Building A (Shangri-La side); at southbound–Station Building A (Starmall side)

“Inaasahan ko ang buong kooperasyon ng Greenfield management at mamadaliin nila ang pagsasaayos ng mga escalator dahil malaking tulong ito sa ating mga pasahero, ayon na rin sa utos ng ating Pangulo,” ayon kay Sec. Lopez.