Calendar

Metro
Naghamon ng away kinalawit ng pulisya
Edd Reyes
Dec 21, 2024
204
Views
KINALAWIT ng pulisya ang kelot na umastang siga at naghamon ng away sa kanilang lugar habang armado ng baril noong Biyernes sa Valenzuela City.
Biglang naging maamong tupa ang suspek na si alyas Jhun ng hablutin sa kanya ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang hawak na baril.
Dakong alas-11:30 ng gabi nang mabulahaw ang mga naninirahan sa Dulong Tangke St. nang marinig ang paninigaw at paghahamon ng suspek.
Nakumpiska kay alyas Jhun ang isang kalibre .45 improvised na baril.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025