Kawatan

Nagnakaw umiwas mahuli, nahuli din

33 Views

SUGATAN ang 31-anyos na suspek sa nakawan ng tumalon sa bubong ng bodega sa pagtatakas sa mga humahabol na mga pulis noong Linggo sa Valenzuela City.

Nabuhay ang suspek si alyas Rolly ng isinugod sa Valenzuela Medical sanhi ng matinding pinsala sa mukha at iba’t-ibang bahagi ng katawan makaraang lumagapak sa baldosa, bitbit ang ninenok sa mga gadget sa pinasok na electronic service center sa MacArthur Highway, Brgy. Malanday.

Pinasok ng suspek ang saradong establisimiento bago mag-alas-12:00 ng tanghali sa pamamagitan ng pagsira sa bisagra ng de-tiklop na pintuang bakal na pinagkakabitan ng kandado.

Papalabas na ang suspek, bitbit ang ninenok na cellphone at tablet na inilagay sa tinangay na camera bag nang sitahin nina P/SSg Raynard Zaldivar at Pat Jhon Paul Adap.

Nang bumunot ng baril ang suspek, napaatras ang mga pulis sa pag-aakalang tunay na baril ang dalang toy gun na dahilan para makatakbong papalayo ang kawatan patungo sa Gaanan St. Brgy. Malanday.

Mahigit isang oras ding tinugis ng mga pulis ang suspek bago nahuli matapos tumalon sa bubong ng bodega.