Macaraeg

Nagre-repack ng P.3M shabu dinakma sa Parañaque

Edd Reyes Feb 27, 2022
289 Views

HULI sa aktong nagre-repack ng shabu ang 53-anyos na lalaki sa gilid ng isang condominium Sabado ng madaling araw sa Paranaque City.

Hindi na nakapalag sa Johnny De Leon, residente ng Bgy. San Dionisio nang bigla siyang dakmain ng mga kagawad ng Paranaque Sub-Station 4 dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may Small Ville tabi ng Olivarez Condominium habang nagre-repack ng shabu sa mga plastic sachet, gamit ang kanyang lighter.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Jimili Makacareg, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Paranaque Police Sub-Station 4 sa lugar ng Brgy. San Dionisio nang lapitan sila ng isang residente sa lugar at ibinulong ang ginagawang pagre-repack ng shabu ng suspek.

Kaagad na nagtungo sa sinabing lugar ng impormante ang mga pulis at dito na nila nahuli sa akto si De Leon na nagulat nang sumulpot bigla ang mga pulis.

Nakumpiska sa suspek ang ang isang coin pouch na naglalaman ng dalawang pakete ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 51.67 gramo ng shabu na may kabuuang halagang P351,356,00.

“Sa pagpapatuloy ng ating pinaigting na kampanya kontra sa illegal na droga, isa nanamang malaking accomplishment ang nagawa ng ating kapulisan. Kami ay hindi titigil sa pagpuksa sa mga gumagawa ng illegal sa ating komunidad,” pahayag ni Macaraeg.