KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
Naic patrollers nagpakawala ng 217 baby pawikan
Dennis Abrina
Jan 2, 2026
496
Views
UMAABOT sa 217 hatchling o baby pawikan ang pinakawalan sa dalampasigan ng Naic, Cavite noong Enero 1, 2026 sa Brgy. Labac sa pangunguna ng Samahan ng Labac Pawikan Patrollers.
Sinaksihan ng mga pinuno ng Cavite police at ni dating Labac Chair Roger Bilugan ang pagpapakawala ng mga pawikan.
Ayon kay Bilugan, makabuluhang pagsalubong sa Bagong Taon ang pagpapakawala ng mga pawikan.
Ang mga nasabing olive ridley baby pawikan ay nalikod ng mga pawikan patrollers sa seashore noong October 31, 2025.
Ayon sa record ng SLPP, nakapagtala na sila ng 106 nest holes simula noong September 2025.
Maingat na inaalagaan ang mga itlog hanggang sa mapisa.
Ayon pa kay Bilugan, sa dapit hapon pinapakawalan ang mga ito para hindi makita ng mga predators.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

