Calendar
Naiwang laptop, tablet nabalik sa tunay na may-ari
IBINALIK sa may-ari ng mga Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS) ang naiwang laptop at tablet ng isang pasahero sa security screening checkpoint ng Bicol International Airport.
Napansin ni SSO Ralph Jason Clapis ang dalawang electronic device na naiwan sa service tray kaya iniulat sa supervisor na si Charity Sabillena.
Lumapit ang pasahero upang magtanong tungkol sa nawawalang kagamitan.
Matapos ang beripikasyon ng pagkakakilanlan, naibalik ang laptop at tablet sa tunay na may-ari at nagpasalamat ang pasahero sa mga SSOs, partikular kay Clapis.
Ang insidenteng ito ay ayon ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng integridad at kahusayan sa paglilingkod publiko.

