PBBM pinuri sa Senado sa pagpapakumbaba
May 22, 2025
BIR calls for higher taxes on vape products
May 22, 2025
Calendar

Metro
Nanghalay sa Cagayan, nasukol
Edd Reyes
Apr 4, 2025
77
Views
NAGWAKAS ang pagtatago ng suspek sa 5 counts ng panghahalay sa Tuguegarao, Cagayan, nang matunton sa pinagtaguang lugar noong Huwebes sa Caloocan City.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nasukol ng pinagsanib na puwersa ng District Special Operations Unit (DSOU), Police Regional Office (PRO)-2 at Cagayan police si alyas Macoy dakong alas-8:00 ng umaga.
Nahaharap si alyas Macoy sa limang bilang ng rape batay sa inilabas na warrant of arrest ni Tuguegarao City, Cagayan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Dennis Agustin-Mendoza ng Branch.
Nakapiit sa custodial facility ng NPD ang akusado.
Valenzuela may bagong ID para sa seniors, PWDs
May 20, 2025