Calendar
Natitirang mga buwan crucial sa BOC, BIR
MAPAGPALANG araw sa lahat ng ating mambabasa!
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Mama Aki ng Ihawan,Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Malou Co, Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Mabuhay kayong lahat!
God Bless!
****
Dapat paigtingin pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang intelligence gathering efforts, lalo na sa mga luxury cars na ipinapasok sa bansa.
Maaaring malaki ang buwis na nawawala sa mga sasakyang ito.
Katulad na lang ng mga luxury cars na ni-raid ng Bureau of customs noong isang araw sa garahe nina Pacifico “Curlee” at Cezarah Rowena “Sarah” Discaya.
Bakit 12 na lang ang mga sasakyan na naselyuhan ng Bureau of Customs nang i-raid ang garahe ng mga Discaya sa Bambang Pasig?
Sa isang interview bago ang eleksiyon noong nakaraang Mayo, nasa mahigit 40 ang ibinabandera nilang luxury vehicles. Bukod pa dito ang mga ordinaryong sasakyan ng gamit ng kanilang mga staff.
Bakit ngayon biglang 12 na lang ang natirang naselyuhan ng mga opisyal ng BOC?
Wala kayang tumimbre sa mga Discaya na papunta na ang raiding team ng mga taga-BOC sa lugar nila kaya nailabas na ang karamihan sa “luxury vehicles”?
Dapat tumulong rin ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) para matunton ang iba pang mga sasakyan.
Malaki rin ang papel ng Land Transportation Office (LTO) para malaman kung sinu-sino ang mga nagmamay-ari ng smuggled motor vehicles.
***
Apat na buwan na lang ay matatapos na ang taong 2025.
Para Sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR), ang apat na buwan na ito ay crucial sa kanila.
Nakasalalay kasi sa nalalabing apat na buwan ang papasok na pera sa kaban ng bayan.
Kailangan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng kanyang administrasyon ang “total support” ng mga opisinang ito.
Maraming big-budgeted na proyekto at programa ng gobyerno na nangangailangan ng sapat na pondo.
Hindi puwedeng lagi na lang tayong umasa sa foreign loans para mapondohan ang mga programa ng gobyerno.
Sa taong ito ay kailangang makalikom ng P1 trilyong buwis at taripa ang BOC para maabot ang assigned tax take.
Hindi ito madali dahil maraming problemang kinakaharap ang mundo.
Kung kakaunti ang importasyon ng mga negosyante ay kaunti rin ang ibabayad na buwis.
Kung maganda ang economic situation sa bansa ay lalaki rin ang importasyon ng mga negosyante.
Kaya mahalaga na gumanda ang ekonomiya ng bansa.
Marami pa rin naman ang naniniwala na kaya pa abutin ng BOC ang kanilang 2025 revenue collection target.
Tama ba kami, BOC Commissioner Ariel S. Nepomuceno?

