Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026
Bayad sa doktor isasama na sa hospital bill
Nov 28, 2026
Panalangin para sa mga miyembro ng Media
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Nawawalang menor de edad lumutang ang b*ngkay sa ilog
Melnie Ragasa Jimena
Nov 24, 2026
96
Views
NATAGPUANG palutang-lutang ang bangkay ng isang nawawalang menor de edad sa Tullahan River sa Barangay North Fairview, Quezon City, nitong Lunes ng umaga.
Dakong alas-10:30 ng umaga nang mamataan ng isang residente ang palutang-lutang na katawan sa ilog sa Drachma Street, Phase 8, at agad itong ipinaalam sa mga opisyal ng barangay na humingi ng tulong sa pulisya.
Sa imbestigasyon, nabatid na nawawala na ang biktima mula pa noong gabi ng Nobyembre 21, ayon sa kanyang ama.
Rumesponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang suriin ang bangkay na nasa advanced stage of decomposition na.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026
Himas-boga nauwi sa himas-selda
Nov 26, 2026

