Lightning Pinangunahan nina Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano at Congressman Tony Calixto ang Christmas Tree Lighting Ceremony na hudyat sa pagsalubong sa kapaskuhan nang may pasasalamat at pag-asa nitong Nobyembre 23, 2026 sa harap ng City Hall. Kuha ni JOSEPH MUEGO

33-talampakang Christmas tree na gawa sa recycled materials pinailawan ni Mayor Calixto-Rubiano

Edd Reyes Nov 24, 2026
99 Views

NAGNINGNING ang paligid ng harapan ng Pasay City Hall noong Lunes ng gabi nang pangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagpapailaw sa 33-talampakang Christmas Tree na gawa sa recycled materials.

Naging hudyat din ito, hindi lamang dahil panahon ng Kapaskuhan, kundi dahil na rin sa isang buwang pagdiriwang at pasasalamat sa ika-163 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Pasay sa ilalim ng temang “Pasayahin 2026: All out ang Kasiyahan”.

Dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga punong barangay, residente, at mga senior citizen ang pagpapailaw sa Christmas tree na nagsilbi ring simbolo ng wagas na pagkamangha ng mga batas sa mahika ng pagbibigay buhay ng masayang Pagawaan ng Laruan ni Santa.

Matapos ang pagpapailaw, sinimulan na rin ni Mayor Emi ang pamamahagi ng maagang pamasko sa 163 mga dumalong mga bata, habang inanunsiyo na rin ng alkalde ang pagkakaloob ng mga tiket sa bawat pamilya sa buong lungsod na kanilang ipi-prisinta para makuha ang kanilang noche-buena items.

Kasama ni Mayor Emi sa pagpapailaw ng higanteng Christmas tree sina Congressman Tony Calixto, Vice Mayor Mark Anthony Calixto, at mga miyembro na Sangguinang Panlungsod ng Pasay.