Calendar
Oducado naghain ng panukala para sa kapakanan ng mga Pilipinong may autism
ISINUSULONG ni neophyte 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong maprotektahan ang karapatan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong dumaranas ng “autism”.
Ito ang nilalaman ng House Bill na inihain ni Oducado upang magtatag at mag-establisa ng National Autism Care kasunod ang paglalagay din ng Sub-Committee on Autism na sasailalim sa pangangasiwa ng National Council on Disability Affairs.
Sinabi ni Oducado na tinukoy kamakailan ng Autism Society of the Philippines (ASP) ang paglaganap o pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong dumaranas ng autism kung saan isa sa bawat 100 individuwal ang mayroong ganitong kapanansanan na nangangahulugan aniya na tinatayang 1.2 milyong Pinoy ang may autism.
Bukod dito, ipinahayag pa ng kongresista na batay sa naging pag-aaral at pagsusuri ng ASP. Isa sa bawat limang Pilipino ang posibleng autistic at sa kasamaang palad. 10% lamang ang na-diagnosed na may ganitong karamdaman.
Bunsod nito, binigyang diin ni Oducado na kinakailangang maglatag ng isang decisive na hakbang para ma-address ang lumolobong bilang ng mga Pilipinong may autism sa pamamagitan ng epektibong polisiya.
“This underscores significant under-diagnosis and data deficit, affecting policy-making, resource allocation and service planning,” sabi ni Oducado.
Ayon pa kay Oducado, ang mga kabataang nakapaloob sa espektrum ng mga dumaranas ng autism ay nahaharap sa isang napakabigat na pagsubok (hamon) kabilang na dito ang kakulangan ng communication, social interaction at behavior.
Pagbibigay diin pa ng Party List solon na ang mabigat na kinakaharap ng mga kabataang autistic ay ang bullying, pagpapabaya o pagbalewala sa kanila at social exclusion na na ang ibig sabihin ay mistulang hindi sila “belong” sa hanay ng mga kapwa nila kabataan at iba pang grupo.
Kaya para kay Oducado, ang kaniyang panukalang batas ang magsisbing proteksiyon ng mga Pilipinong may autism sa pamamagitan ng mg sumusunod:
1. Recognized, counted and supported through accurate data collection and diagnosis througn National Autism Care Plan of an inter-agency and multi-sectoral mechanism.
2. Receive timely, affordable and evidence-based participation.
3. Afforded inclusive education and community participation.
4. Supported within a social and legal framework that upholds their dignity, rights and potential.

