Oducado

Oducado nais buhayin ang industriya ng ship building, ship repair

Mar Rodriguez Jul 31, 2025
316 Views

Oducado1Oducado2TUTUTUKAN ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ngayong 20th Congress ang paglikha ng maraming trabaho sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa industriya ng Ship Building at Ship Repair (SBSR).

Ito ang nilalaman ng House Bill No. 2598 at House Bill No. 2579 na inihain ni Oducado sa Kamara de Representantes upang muling pasiglahin at palakasin ang SBSR industry na ang pangunahing layunin ay mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino.

Sinabi ng baguhang kongresista na panahon na para maibalik sa Pilipinaas ang tinawag nitong “maritime jobs” alang-alang sa libo-libong manggagawa ng maritime industry na inaasahang malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng ating bansa.

“It’s time to bring maritime jobs home for the sake of our maritime workers and our overall economy,” sabi nito.

Ayon kay Oducado, sa pamamagitan ng HB No. 2597 o ang Shipyard Fiscal Bill Incentives Bill at HB No. 2598, inaasahan na makakalikha ito ng tinatayang 100,000 direct at indirect jobs sa buong bansa sakaling maisabatas ang dalawang panukala.

“Through these bills, we will create jobs in upskilled shipbuilding labor, support services, vocational training, supply chains and coastal community development industries. With over 578,000 Filipino seafarers deployed worldwide, the Philippines has the potential to lead the maritime industry,” wika pa ni Oducado.