Calendar
Oducado nais ng kalusin ang pang-aabuso ng mga FCs at LCs
“NAPUNO na ang salop, kaya panahon na para kalusin”.
Ito ang pagbibigay diin ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado patungkol sa talamak at hindi makataong pang-aabusong ginagaNiwa ng mga Financial Companies (FCs) at Lending Companies (LCs) sa kanilang mga kliyente sa tuwing sila ay maniningil ng kanilang pautang.
Dahil dito, inihain ni Oducado ang House Bill No. 2662 sa Kamara de Representantes upang papanagutin at patawan ng karampatang parusa ang mga FCs at LCs na walang habas na nang-aabuso sa kanilang mga kliyente sa pamamaraang “unethical” kapag sila ay maniningil katulad ng pamamahiya, pagbabanta, pagmumura, panlalait, harrassment, pang-iinsulto at iba pang kauri nitong kabuktutan.
Ipinahayag ng neophyte Party List solon na sa loob ng mahabang panahon. Ang Securities and Exchange Commission (SEC), National Data Privacy Commission at iba’t-ibang law enforcement agencies ay nakakatanggap ng samu’t-saring reklamo laban sa mga Online Lending Companies (OLCs) dahil sa hindi makataong paniningil ng mga FCs at LCs kung saan ang kanilang mga kliyente ay walang pakundangang minumura, nilalait, pinagbabantaan, ipinapahiya sa mga taong kakilala nila, hina-harass at iniinsulto kapag hindi sila agad nakakabayad ng kanilang utang batay sa itinakdang araw.
Iginigiit pa ni Oducado na dumating pa sa punto na inilalantad o isinasa-publiko ng mga FCs at LCs ang personal information ng kanilang mga kliyente kung saan ibinabalandra ng mga kompanyang ito sa social media ang hindi pa nababayarang balanse (unpaid balance) ng kanilang mga kliyente na isang malinaw na paglabag ang nasabing gawain sa itinatakda ng Data Privacy Law.
Sinabi pa ng kongresista na noong nakalipas na May 26, 2025. Ang SEC ay naglabas ng cease and desist order laban sa mga LCs na nag-ooperate sa pamamagitan ng Online Lending at sangkot sa hindi makatao at mapang-abusong paniningil ng pautang sa kanilang mga kliyente.
Gayunman, ipinabatid din ni Oducado na mistulang “inuutakan” ng mga FCs at LCs ang SEC sapagkat gumamit umano sila ng Third Party Debt Collection Service Providers (TPSP) na hindi nakatala sa SEC upang sadya silang makaiwas at makalusot (FCs at LCs) sa anomang pananagutan dahil sa kanilang mapang-abusong at hindi makataong pangongolekta ng utang.
“This proposed measure declares it as a policy to regulate the collection practices of FCs and LCs to deter the use if means that are prejudicial to the interest of the public. To put the said policy in perspective, prohibited acts in relation to collection of debts are hereby enumerated and punished. Likewise, FCs and LCs are obligated to disclose any third-party service providers whose services are engaged for purpose of debt collection,” wika ni Oducado.
Nakasaad sa panukalang batas ni Oducado na papatawan ng multang P50,000 ang mga FCs at LCs na mapapatunayang nagkasala para sa fist offence habang sa third offence naman ay pagmumultahin sila ng P5,000 hanggang P1,000,000.00 at sa pang-apat na offence. Papatawan ang mga kompanyang ito ng revocation of Certificate of Authority to operate a financing or lending company.

