OFW

OFW partylist seminar nakatulong sa mga estudyante

Mar Rodriguez Feb 17, 2026
174 Views

SINABI ng isang speaker at psychologist na nakatulong sa mga estudyante ang “Tara sa Mundo 2026 Career Mapping and Mental Health Wellness for Aspiring Global Professionals” seminar ng OFW Party List sa apat na campuses ng ICCT Colleges Foundation sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Dr. Rea Villa, nakatulong ang seminar na ihanda ang mga dumalong ICCT students sa kanilang kinabukasan para sila ay makapag-desisyon ng tama para sa mga bagay na nais nilang mangyari sa kanilang buhay.

Layunin din nito na alamin kung ano ang pangangailangan ng mga mag-aaral at kung papaano makakatulong ang mga tulad nilang resource person sa paghuhubog ng kanilang kinabukasan.

Dagdag pa ni Dra. Villa, hindi lamang inilatag sa seminar ang “awareness” sa mental health issue para sa mga kabataang mag-aaral kundi natulungan din sila para sa pagpapanday ng kanilang mga plano at pangarap sa darating na panahon.

“Napag-usapan dito kung ano ba ang nais nilang gawin at mga plano sa kanilang future. Tinutulungan silang to make decisions at kung ano ang kanilang mga kailangan.

Maganda ang mga ganitong programa na tayo ang bumababa sa grassroots para intindihin kung ano ang kailangan nila at kung papaano tayo makaka-step in para mas bumuti ang kanilang wellness hindi lang sa kanilang mental health kundi sa overall health nila,” sabi ni Dra. Villa.

Nagpasalamat si Dra. Villa para kay datng OFW Partylist Rep. Marissa Magsino dahil sa malaking tulong ng kaniyang inisyatiba para gabayan ang mga kabataan sa kanilang kinabukasan.