Calendar
OFWs binalaang mag-ingat sa mga tulad ni Norman Mangusin na nangbi-biktima ng OFWs
NAGBABALA si dating OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na mag-ingat sa “matamis na dila” at mapanlinlang na taktika ng mga scammers para sila’y huthutan ng napakalaking pera.
Sinabi ni Magsino na bilang Kinatawan ng mga OFWs, tungkulin umano nito ang magpahayag ng kaniyang saloobin kaugnay sa pagkaka-aresto kamakailan sa kilalang vlogger na si Norman Mangusin na mas kilalang bilang Francis Leo Marcos.
Ayon kay Magsino, bunsod ng pagkakadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay Mangusin. Pinayuhan naman nito ang mga OFWs na maging maingat na sa kanilang pakikipag-transaksiyon sa online.
Pagbibigay diin ng dating lady solon na nakakabahala aniya ang mga alegasyon laban kay Mangusin kung saan ay umabot umano sa P80 milyon ang nakuha nitong pera mula sa mga biktima nitong OFWs sa pamamagitan ng online scamming.
Paliwanag ni Magsino na kabilang sa mga taktikang kinasangkapan umano ni Mangusin sa paloloko o scamming sa mga Pilipinong buhat sa ibang bansa ay ang paghingi ng donasyon para sa pekeng charity event livelihood programs lalo na noong panahon ng pandemic.
“There have been allegations that the said personality (Mangusin) was scheming up to P80 million out of our Kababayans abroad, asking for donations for bogus charity events and humanitarian activities here in the Philippines,” sabi ni Magsino.
Dahil sa pangyayaring ito, mariing kinondina ng dating kongresista ang tinawag nitong “kasuklam-suklam” na gawain para manloko ng mga kaawa-awang OFWs na kung tutuusin aniya ay hindi naman kalakihan ang kanilang kinikita sa ibayong dagat.
Iginigiit ni Magsino na patuloy na makikipaglaban ang OFW Party List sa anomang uri ng panlilimang sa mga OFWs sa kabilang kanilang pagsisikap at kayod kalabaw para tustusan ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
“Lalabanan ng OFW Party List ang anomang uri ng panloloko at panlilinlang sa ating mga kababayang OFWs na sa kabila ng kanilang pagsisikap ay may mga taong walang konsensiya na sila’y binibiktima at pinagsasamantalahan,” dagdag pa nito.

