Rob

Online rob gang natimbog; 3 suspek nasakote

Jon-jon Reyes Oct 9, 2026
295 Views

Rob1

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cybercrime Division (CCD) ang tatlong suspek na umano’y sangkot sa malawakang online robbery scheme kung saan sila ay umoorder online ng mga high-value parcel tulad ng mga mobile phone at iba pang gadget na naka-address malapit sa warehouse ng isang shipping company.

Base sa ginawang imbestigasyon, kapag sila ay nakaorder na ng sapat na bilang ng mga parcel, kumokontak ang mga suspek ng rider para i-deliver ang mga parcel sa isang sasakyan sa halip na i-deliver ito sa address na nakalagay sa waybill.

Sa loob ng isang sasakyan ay pinapalitan ng mga suspek ang laman ng parcel ng tissue at baby wipe. Matapos nito ay tatawagan nila ang delivery rider para ibalik ang mga parcel at mamarkahan ng “RTS” o Return to Seller.

Noong Setyembre 25, 2026, nagsagawa ng surveillance at interdiction operation ang mga ahente ng NBI-CCD na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong suspek. Nakuha sa loob na sasakyan na ginagamit umano ng mga suspek ang mga parcel at kagamitan na ginagamit para sa pagpalit ng mga parcel.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery o paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code in relation to Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.