Chi Pinangunahan nina Manila Vice Mayor Chi Atienza at Judge Rosalyn Mislos-Loja, Executive ng Regional Trial Court Branch 41, ang pagwasak sa mga narekober na ebidensya na may kinalaman sa ilegal na droga mula sa mga natapos ng mga kaso habang nakamasid ang mga opisyal ng kapulisan ng MPD sa pamumuno ni PBGen. Arnold Santiago.

VM, MPD chief, judge nanguna sa pagwasak ng mga ebidensya sa tapos ng kaso ng droga

Jon-jon Reyes Oct 9, 2026
96 Views

Chi1Chi2Chi3NAGSAGAWA ang Manila Police District (MPD) kasama si Vice Mayor Chi Atienza ng ceremonial destruction ng mga ebidensyang may kaugnayan sa ilegal na droga at mga natapos ng kaso.

Pagpapatibay sa pangako na maayos na pangangasiwa at disposisyon ng mga ebidensya alinsunod sa mga itinakda ng batas ang ceremonial destruction.

Pinangunahan ni PBGen. Arnold Santiago, director ng MPD, kasama ang MPD Command Group at mga station commanders ang aktibidad.

Ang okasyon ay personal na dinaluhan nina Atienza at Rosalyn Mislos-Loja, Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 41, Manila, na nagsilbing guest of honor at tagapagsalita.

Ang aktibidad ay patunay ng dedikasyon ng MPD sa pananagutan, transparency, maayos na pamamahala ng ebidensya at pagtalima sa batas.