Suspek

Operator binugahan ng tingga, nambuga arestado

Edd Reyes Aug 18, 2026
148 Views

TIMBOG ang 49-anyos na security guard ng pabrika nang barilin ang machine operator ng naturang pasilidad sa Valenzuela City.

Inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center ang 52-anyos na biktima at naaresto ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento ang suspek sa pabrika ng plastic sa Barangay Lawang Bato.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ala-1:40 ng hapon noong Linggo nang kunin ng suspek ang baril na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Ayon sa pulisya, walang karapatan ang suspek na gamitin ang hindi naka-issue sa kanyang baril kaya bukod sa kasong frustrated murder, sasampahan din siya ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.