Ormoc overwhelming suporta kay BBM

233 Views

OVERWHELMING umano ang suporta ng mga taga-Ormoc kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ito ang sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez matapos na umikot sa lungsod para pulsuhan ang napupusuan ng kanyang mga residente sa nalalapit na halalan.

“Talagang overwhelming ‘yung BBM, kapag sinabi ko itaas ang kanilang kamay kapag binanggit ko name ng mga kandidato, pero kapag sinabi mo iyong pangalang ‘BBM’ pati paa talagang itinataas eh,” sabi ni Gomez.

Nanawagan naman si Gomez sa publiko na igalang ang pagkakaiba-iba ng sinusuportahan.

Hindi umano tama ang ginagawa ng ilan na nambu-bully o naninira dahil hindi pabor sa kanilang sinusuportahang kandidato.

“Sinasabi ko kung mayroon kang napupusuan na isang presidente hindi mo kailangan manira ng ibang tao. Ikampanya mo ng mabuti ‘yung kaniddatong gusto mo kasi kami ganun din. Kung sino ang gusto namin. In my case, I like BBM, kinakampanya ko siya talaga rito dito sa 4th district at sa buong Leyte,” dagdag pa ni Goma.

Ayon pa kay Gomez hindi na lamang nito pinapansin ang mga kritisismo sa kanya dahil sa pagsuporta kay Marcos.

Ginagamit ng mga kritiko ni Gomez ang lumang pelikula nito kung saan siya gumanap na Sergio Osmeña na isa sa mga biktima ng Martial Law.

“Wala namang kinalaman ang pelikula sa politics dito ngayon. Ginawa ko iyon as an artist pero ngayon ginagawa ko ito bilang isang public servant,” punto pa ni Gomez.