Ople

OWWA Region 3 Regional Director Falconi Millar nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Ople

Mar Rodriguez Aug 23, 2023
509 Views

NAGPAABOT din ng taos pusong pakikiramay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ni OWWA Region 3 Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar kaugnay sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Marian Susana “Toots” V. Ople.

Sa panayam ng People’s Taliba kay Atty. Millar, sinabi nito na nakakalungkot at nakakabigla umano ang pagpanaw ni Ople na itinuturing nilang haligi ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs).

Ayon kay Millar, mahirap makahanap ng katulad ni Ople na napakalaki ng malasakit para sa mga OFWs o Migrant workers na ang isinasa-alang alang ay ang kanilang kapakanan at kagalingan (welfare).

Pinapurihan din ng OWWA Region 3 Regional Director ang mga magagandang programa at proyekto na nailunsad ng namayapang Kalihim mula ng maupo siyabsa DMW para tignan ang kalagayan ng mga OFWs at Migrant workers.

Umaasa din si Millar na kung sinoman ang mapipili ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na hahalili kay Ople ay maipagpapatuloy parin nito ang mga nasimulan ng yumaong Kalihim.