Villarica (Photo 1) Inaabot ni Rep. Villarica ang donasyon para sa mga nilindol sa Davao Oriental earthquake kay Rep. Dayanghirang sa pamamagitan ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Cathy Esteves.

P1.1M NAKALAP NG MGA GINANG NA MAMBABATAS PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

260 Views
Villarica1
(Photo 2) Si Rep. Villarica, kasama sina Reps. Girlie Veloso, Cristy Angeles at Rose Salvame, ay nagturn over ng donasyon. para sa mga biktima ng lindol kay Rep. Shimura.

BILANG agarang tugon sa mga nagdaang lindol sa Cebu at Davao, pinangunahan nina Kinatawan Linabelle Ruth Villarica at Gina de Venecia, mga Co-President ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI), ang pangangalap ng P1.1M na pondo mula sa mga babaeng mambabatas para sa tulong sa mga biktima ng lindol.

Ang halagang P500,000 para sa Davao at P600,000 para sa Cebu ay naipagkaloob noong Oktubre 21, 2025 at Oktubre 13, 2025, ayon sa pagkakasunod, sa mga Kinatawan ng Kongreso na sina Nelson “JR” Dayanghirang ng Unang Distrito ng Davao Oriental, at Sun Judal Shimura ng Ika-apat na Distrito ng Cebu.