Marilou Cayco, bagong kongresista ng Batanes
Nov 29, 2026
Girlash papansin mashado
Nov 29, 2026
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Calendar
Provincial
P1.4M nasamsam sa mag-live in
Jojo Cesar Magsombol
May 22, 2026
356
Views

KAMPO VICENTE P. LIM, Calamba City, Laguna–Timbog ang pinaniniwalaang mag-live in partner sa buy-bust sa Brgy. Sta. Clara, Batangas City noong Huwebes na may pag-iingat na P1.4 milyon na halaga ng shabu.
Ang mga nadakip ay kinilalang sina alyas Leony, 45; at Ysrael, 44.
Nakumpiska sa 2 hinihinalang shabu na may timbang na 209.74 gramo at tinatayang aabot sa P1,426,232.
Narekober din ang isang purse at ang ginamit na buy-bust money.
Ipinahayag ni Police Brigadier General Hansel Marantan, director ng PRO 4A, na ang operasyon ay bahagi ng mas pinalakas na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026

