Calendar
Mabini mayor tumulong sa pangangalaga ng karagatan
MABINI, BATANGAS–Pinangunahan ni Mayor Noel Bitrics Luistro ang pagdiriwang ng Month of the Ocean na may temang “Dive? Linis Din Ano Tara” bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga Ng yamang-dagat.
Nakiisa sa aktibidad ang iba’t-ibang sektor kabilang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), CENRO, Local Government Unit (LGU) ng Mabini, Philippine Maritime Group at Philippine Coast Guard Auxiliary.
Kasama rin sa pwersa ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Raid Philippines, Bantay Dagat mga divers at opisyal ng Brgy. Mainit.
Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng karagatan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos para sa kalinisan ng kalikasan.
