Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Pic2

P100K, cake ibinigay sa centenarian sa Jaen

Steve A. Gosuico Apr 27, 2026
289 Views
Pic3
Tinanggap ni Adelaida Mariano ang sertipiko ng pagkilala mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang centennial birthday.

JAEN, Nueva Ecija–Tumanggap ng P100,000 mula sa National Commission of Senior Citizens noong Biyernes ang babaeng centenarian sa bayang ito.

Sinaksihan ni Mayor Atty. Sylvester Austria ang paghahandog ng pera kay Lola Adelaida Mariano sa kanyang bahay sa Brgy. Putlod.

Tumanggap din ng sertipiko ng pagkilala si Lola Adelaida mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at binati siya ng pangulo dahil kahanga-hanga para sa kahit sino ang pagdiriwang ng pagiging sentenaryo.

Bukod sa pera, may dala ding birthday cake si Mayor Austria at binigyan din niya ng dagdag bonus na P20,000 bilang personal na regalo.

Sinagot din ng alkalde ang buwanang maintenance medicines ni Lola Adelaida sa loob ng isang taon.

Ayon sa datos ng munisipyo, pang-anim na si Adelaida sa mga sentenaryo na nabiyayaan sa Jaen.

Nang tanungin si Lola Adelaida kung ano ang sikreto niya kaya humaba ang kanyang buhay, sumagot siya ng: “pagkain ng gulay.”